source:www.femalenetwork.com
Ikaw… mahal kita… oo… ikaw, hindi mo ba nakikita? Sabagay okay lang, wala naman kasi akong balak ipahalata sayo. Magkaibigan tayo diba, kung malaman mo, baka bigla mo nalang akong layuan...Baka bigla mo pa akong iwasan. Malayo ka na nga, lalayo ka pa, kaya eto ako, dumidistansya at hindi gumagalaw para hindi mo ko mapansin. Meron kang mata diba? Kung manhid ka at wala kang nararamdaman, at least meron ka paring dalawang mata. Umaaligid sa mga taong papadating. Liliko sa bawat babaeng makita mong maganda, pipikit pag nasisilaw, lalaki pag nagugulat, at kikinang pag may chicks na dadaan. Yang mga mata mo! Linchak yan eh! Galit ako dyan sa mga mata mo! Kundi dahil dyan, nananahimik siguro ako ngayon. Eh kaso, ano pa bang magagawa ko. Una ko palang makita yan eh naakit na ako. Palibhasa kulay brown. Pilipino kasi black lang ang mata. Leche!! Ewan ko ba! As if naman tisoy ka! Mas Moreno ka pa kaya sakin! Ewan ko ba kung saan mo nakuha yang mala tsokolate mong mga mata! Naalala ko tuloy ung una kitang nakita, isang sulyap mula sa iyo, natunaw ako… ayun! Tawagin mo na itong love at first sight o ano, basta alam ko lang, may nakita akong hindi nakikita ng iba… Ako? May mata din ako! Huwag mo sabihing hindi mo ito nakikita? Etong mga mata ko, eto pa nga yung tinutukso ng brkada natin na “KUMIKISLAP” tuwing binabanggit nila ang pangalan mo. Etong kambal na bilog na ito, kumukinang pag nakikita ka. Ewan ko ba kung kumikirat ba ito, lumiliit, naluluha o para bang nagkaka glitters basta ba ikaw ang laman ng usapan. Pag ikaw ang topic hala! Sige!!! Kislap na ng kislap! Daig pa ang mga kumikinang na parol tuwing Pasko… “Uy alam mo ba si Yan….” Ang sabi nila habang ting!! ting!! ting!! Boom!!! Ayun!!! Mala falling star sa liwanag ang mata ko! Diba nga, nung isang sabado na nag party yung kabarkada natin, nag make up to the maximum extra power pa ang lola mo! Ha!!! Nag smokey eyes ako nun loko ka! Dahil sayo! Nagpaganda ako! Para lang mapansin mo man lang ako ng katiting. Tsong! Gamitin mo naman kasi yang mga mata mo para makita mo ko! Tingnan mo kaya ako! Yung damit ko walang hiya, binili ko pa yan sa Rustans! (buti kamo sale!) at yung kwintas ko?!? Biro mo, sa Bangkok ko pa binili! Aba! International edition na ata ang inabot ko para lang maimpress ka pero ewan ko ba kung gumagana! Hot oil to the max din ako. Hello!!! Wag mo sabihing di mo naamoy ang buhok ko! Sandamakmak na cream ang ipinalagay ko para abot kabilang kanto ang amoy. Eh diba nga nung nagpa group pic tayo, nandun ka lang sa likod ko!!! Wag mo sabihing di mo naamoy o di mo man lang nakita ang silky black extra long hair ko? Linchak yan! Kalagitnaan ng party, nagpapicture tayong dalawa. Ay sus ginoo!!! Nung nadevelop ung picture nagulat ako sa mga nakita ko! Ung mga mata ko nga kumikslap! For the first time nagka pruweba nadin ako na kumikinang nga ang mga mata ko. Akala ko kasi tinutukso lang nila ako sa mga mata ko! Totoo pala. Sabi pa nga nila, pati din daw ung mata mo may kislap. Na never pa daw nilang nakita ang mga mata mo na ganyan ka kinang. Ang sarap sarap pakinggan pero tinigil ko kagad sila! Sabi ko – “asa pa ko” sila naman, dakdak parin ng dakdak! Feeling daw nila meron! Eh kung I-scotch tape ko kaya mga bibig nila! Wala nga sabi eh!!! Sabi ko... Kaso pag uwi ko, tiningnan ko ulit ung pic, at pasekretong tinanong ko sa sarili na “meron nga ba?”.. namuti ang mata ko sa kakatingin sa picture natin. Mukhang meron ngang kislap sa mata mo kaso ayoko nang umasa. Baka masaktan lang ako sa huli. Wag nalang… Isang lingo ang lumipas, may debut na naman tayong pinuntahan (kabarkada ulit natin). Ay! Todo super to the extra maximum power times three carry one ang pag papaganda ko! Nagpa hot oil ako ulit! (at hindi lang regular treatment noh, protein na ata!) at ngayon, hindi na ako nag smokey eyes tutal di naman umepek ung pa smokey smokey eyes ko sayo eh. This time, naglagay na lang ako ng shimmer eye make up. Basta in short, mukha akong fairy. Ika nga, to add up to the spark. Isipin mo, kung totoo nga ung sinasabi nilang kumikislap ang mata ko pag nakikita kita, plus ung shimmer/glittery make up na meron ako that night, di kaya magmukha na akong Christmas tree nun sa sobrang kinang ko? Wag naman sana! Emcee ako nun kaya as usual, nauna akong pumunta. Isang oras ang lumipas ay nakita na kitang dumating, kasabay mo ung best friend mo at ung pinsan niya at yung boyfriend niya, in short, kasama mo ung iba pa nating kabarkada… ay Diyos ko po! Kung nakikita mo siguro ung puso ko nun, tumatalbog sa tuwa in tune of Gary V.’s shout for joy! Kulang nalang magtumbling yung puso ko sa loob ng dibdib ko eh. At alam mo ba, pagdating niyo, alam mo sabi sakin ng kasama mo, ang ganda ko daw. Nanlaki pa nga ung mga mata ni amiga at bigla akong hinug.. “Ang ganda mo”. Nangasim mukha ko kasi nagulat ako sa reaction niya…ganun ba talaga ko kaganda. At take note, dahil po yan sayo! Lahat ng make up at gastos at damit ko para lang naman sayo! Yung best friend mo din, sabi maganda daw ako. Sabay hug… hay!!! Buti pa sila! Buti pa sila napansin ako! Buti pa sila nakita ako!!! Kamuntik na kitang tadjakan buti nalang pinansin mo din ako… kaso “hi” lang… pero at least may kasamang beso! (ambulansya nga! Kala ko mahihimatay ako!) Nung dinner, magkatabi tayo, sabay pa nga tayong kumuha ng pagkain diba, palibhasa nahihiya ka! (buti nalang nahihiya ka, at least may excuse akong samahan ka pumila!) Ang sweet sweet daw natin sabi nila. “Bagay kayo” sabi ng iba… ako naman parang shock absorber dahil absorb lang ako ng absorb ng lahat ng sinasabi nila. Buti pa sila napapansin yun! Buti pa sila nakikita na bagay tayo, buti pa sila nakikita na ang sweet natin. Buti pa sila nakikita na “PARANG” meron ka daw feelings for me. buti pa sila nakikita ang mga mata ko na masaya. Buti pa sila napapansin na maganda ako kahit sa gabing iyon. Buti pa sila… buti pa sila… diba pwedeng maging ganun ka din? Parang sila? Bago matapos ang gabi, nagpa picture tayo ulit. Tayong dalawa lang. “your eyes.. I can see it in your eyes” sabi nila ulit… obvious na obvious na siguro sa mata ko na gustong gusto kita noh? Ikaw naman hindi mo nakikita… Susunod na araw, nag chukaran galore kami ni amiga sa phone, pati ung boyfriend niya nakausap ko. Alam mo sabi sakin? Nakita daw nila ikaw kagabi na tumitingin sakin. pasulyap sulyap. Ayokong manilwala eh kaso…. Ummm… pano ba ito… sige na nga, aaminin ko na, pati kasi ako nahuli kita, nakatingin din sakin. kapal ko noh? Pero hindi naman sinungaling ang mga mata ko. Nakita kita, unang beses, habang nageemcee ako, tumingin ako sayo nung sinabi ko ang word na “mysterious” (mysteroious ka kasi eh) kaso nahuli kita, nakatingin, tinanggal mo pa nga mga mata mo sakin nung nagkatinginan tayo. Panglawa, nung nasa gitna ako, nahuli din kita, ulit, nakaw na tingin. Yung isa ko ding kaibigan, bago matapos ang gabi nilapitan ako, sabi niya lagi mo daw akong tinitingnan. Bakit ganun? Nahuhuli ka nilang tinitingnan ako? Ikaw? Hindi mo ba kayang hulihin ang sarili mo na tinitingnan ako…? Nung nakita ko ung mga picture nung debut ilang araw makalipas, nagprint kaagad ako. Iba ka talaga. Ang gwapo mo. how I wish akin ka. Ako naman, tiningnan ko ulit ang mga mata ko. Tama nga sila, may kinang nanaman ito! Kahit ako nakikita ko na… bakit ganun… ako, nakikita ko na ang mga kislap sa mata ko tuwing magkasama tayo… ung mga kaibigan natin, may nakikita din sakin.. maganda DAW ako… sobra daw ang kislap sa mata ko. Kita daw sa mga mata ko na masaya ako lalo na nung dumating ka. Buti pa sila, nakikita nila ako. Nasusulyapan, namamasid at napapansin… bakit ikaw, may mata ka naman diba? Bakit ba hindi mo ko kayang makita? pansinin mo naman ako. Tingnan mo ko!!! May dalawa kang mata diba!!!......... ay t****!!! Bakit ba ngayon ko lang naisip…bobo ko noh, ngayon ko lang narealize… kaya mo ko hindi makita kasi kahit na may mata, bulag ka nga pala!!!
No comments:
Post a Comment